Saturday, February 19, 2005
AnG pAgiBig!!! O LovE
"parang nakakapit sa patalim, nagdudugo na ang
kamay mo, hindi ka pa
rin bumibitaw..."
totoo nga naman diba? lalo na pag
nagpapakamartyr ka... kahit gaano
kahirap,
kahit gaano KASAKIT, kapit ka lang ng
mahigpit... palalim ng palalim
ang sugat,
pahigpit ng pahigpit ang hawak mo sa kutsilyo...
sa isip mo kasi "mahal
ko siya...
kailangan maging malakas ako para
sa kanya... ipaglalaban ko to..."
ang tanong diyan eh...
GUSTO BA NUNG TAONG YON NA IPAGLABAN
MO?
GUSTO BA NUNG TAONG YON NA MAGING
MALAKAS KA
PARA SA KANYA?
higit sa lahat... ALAM BA NIYA?!!
yan ang hirap sa ganyan eh... kapag wala ka na
ibang nakikita kundi
yung taong yun,
yung taong yun at yung nararamdaman mo para sa
kanya... yun kasi ang bumubulag sayo eh... yung
mentalidad na pag nakuha mo siya,
makukumpleto
ang buhay mo...
pagminahal mo siya ng lubos, matututunan ka rin
niyang mahalin... basta
maiparamdam mo, may pagasa...
EH PANO NGA KUNG WALA? pano nga kung
hindi ka
naman niya talaga kayang
mahalin?
pano kung niloloko mo lang pala ang sarili mo?
aba siyempre, hindi
mo
makikita yun... "mahal" mo eh... kaya kung ano
lang ang gusto mo
makita, yun lang...
kapag magkasama kayo at nakikita mo siyang
ngumingiti at masaya,
iniisip mo agad dahil magkasama kayo... yun pala
within eye's view lang
yung totoong gusto niya kaya ganun...
o kaya kapag nilalapitan ka niya para magtanong,
tuwang tuwa ka
kasi ikaw ang una niyang nilapitan... yun pala
katabi mo lang yung
gusto niya kaya sinasamantala niya yung
pagkakataon...
kapag nagkasakit ka at tumawag siya o nagtext
para mangamusta,
halos gumaling ka na in a second sa sobrang
tuwa...
nagaalala lang pala siya kasi KAIBIGAN ka niya...
KAIBIGAN KA LANG NIYA...
haay...
ipaglaban mo p're, KUNG NARARAPAT... hindi
naman
masamang
ipaglaban eh, kung mahal mo ba naman siya, at
mahal ka rin niya
eh di why not?
di sapat na MAHAL MO... sa ganyang
pagkakataon,
mas importanteng MAHAL
KA
RIN...
dahil kung hindi ka naman niya mahal, panu na
yun?
nagpipitik bulag ka na nga, magisa pa...
nagmuka ka lang
TANGA...
L i E z L wished upon a star 9:20 PM